-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang anumang joint oil at gas exploration sa China o iba pang bansa ay susunod sa Konstitusyon at umiiral na batas, habang pinapanatili ang sovereign rights ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ) at continental shelf nito.

Ayon sa ahensya, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuklasin ang lahat ng legal na opsyon para sa energy security sa gitna ng global oil uncertainties at energy concerns.

Kasunod ito ng panawagan ng mga mambabatas para sa transparency sa usapin ng joint exploration sa West Philippine Sea.

Iginiit ng DFA na ang anumang kasunduan ay dapat nakaangkla sa soberanya ng Pilipinas, international law, at mapayapang resolusyon ng salungatan.