Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang tulong sa 13 mga Filipino na nasugatan sa bus accident sa Mount Sinai, Egypt.

Sinabi ni DFA Assistant Secretary Eduardo MeƱez ng Strategic Communication and Research, naipasa na ng Philippine Embassy sa Cairo ang mga pangalan ng mga biktima.

Hindi pa muna nila ilalabas ang pangalang ng mga ito dahil sa hiling ng mga kaanak.

Ang mga nasugatang biktima ay bahagi ng 15 Filipinos mula sa Davao City na lumahok sa “Holy Land Tour” kung saan 11 sa mga ito ay mga doktor.