-- Advertisements --

Idinulog ni Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo ang concern ng Pilipinas kaugnay sa aniya’y mga agresibo aksiyon at militarisasyon sa pinagtatalunang karagatan kung saan parte nito ang West PH Sea nang makipagkita ito sa kaniyang kapwa diplomats sa Belgium para talakayon ang kasalukuyang mga hamon sa Indo-pacific region.

Sa naging talumpati ni DFA Sec. Manalo sa 3rd EU Indo-Pacific Ministerial Forum, kaniyang tinukoy ang ilang mga aktibidad sa disputed waters na banta sa kapayapaan at istabilidad sa rehiyon na lumabag aniya sa ilang batas at kasunduan kabilang na ang UN Convention on the Law of the Sea, ang 1982 Manila Declaration of the Peaceful Settlements of Disputes at ang 2002 Declaration on the Conduct of Parties sa pinagtatalunang karagatan.

Gayundin ang tumitinding tensiyon sa East China Sea, Korean Peninsula at Taiwan Straits.

Bagamat, palagi naman aniyang napapangasiwaan ang naturang mga bantas sa pamamagitan ng dayalogo at diplomasiya, sinabi ni Sec. Manalo, hindi aniya nakakatulong sa pag-unawa sa sitwasyon ang pagover-characterize sa naturang developments bilang gawain ng estratehikong magkaribal na US at China.

Isinasantabi aniya nito ang mga lehitimong karapatan at interes ng mga bansa gaya ng Pilipinas at interes ng mga bansang may dispute sa lugar.

Nagbabala din ito na ang Indo-Pacific ay vulnerable gaya ng anumang parte ng mundo. Humaharap din aniya ang rehiyon ng mga panganib na walang katiyakan na nag-ugat dahil sa mga giyera sa Ukraine at sa Gaza.

Kung kayat binigyang diin ng kalihim ang fundamental themes ng rehiyon para matiyak ang kapayapaan

Top