Humingi nang paumanhin si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. sa United Kingdom matapos ang pagkamatay ng isang British national na itinaboy umano ng ilang pagamutan sa Cebu sa kasagsagan ng coronavirus pandemic.

Sa kaniyang Twitter accounts sinabi ng kalihim na isang kahihiyan sa bansa ang hindi pagtanggap sa Briton na kinilalang si Barry.

Sinasbaing hindi naman daw nagreklamo ang dayuhan kahit nanatili sa ambulansya sa loob ng walong oras sa Mandaue City.

Bukod sa pagamutan sa Mandaue City ay tinanggihan din daw ito sa isang ospital sa Cebu City.