Reading Time: 1 minute

Nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa Saudi Arabia na maging maingat.

Kasunod ito sa nagaganap na tension sa nasabing bansa.

Kinondina rin ng DFA ang nangyaring pagsabog sa Abha International Airport noong nakaraang linggo.

Ang nasabing pag-atake ay naganap matapos ang dalawang linggo ng magsagawa ng missile strike na ikinasugat ng 26 katao.