Pinag-iingat ng Department of Foreing Affairs (DFA) ang mga Filipino na nasa Hong Kong.

Kasunod ito ng malawakang kilos-protesta na isinasagawa dahil sa pagkontra sa extradition bill na naglalayong dalhin sa mainland China ang mga may kasong kriminal.

Sa inilabas na advisory, na dapat iwasan ng mga OFW ang mga lugar kung saan isinasagawa ang rally.

Pinapakansela din nila ang anumang transaction sa consular.

Mahigpit din ang pakikipag-ugnayan nila sa mga Filipino community group sa lugar.