Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang sensitibong operasyon ang saklaw sa inamyendahang memorandum of understanding (MOU) ng Philippine Coast Guard at China Coast Guard.
Sa isang statement, sinabi ni DFA spokesperson on maritime affairs Rogelio Villanueva Jr. na layunin ng panukalang amyenda na magkaroon ng Joint Coast Guard Committee on Maritime Cooperation, na nilikha sa ilalim ng 2016 agreement sa pagitan ng dalawang partido.
Binigyang-diin ng ahensiya na hindi rin kabilang sa kasunduan ang kooperasyon sa sensitibong mga lugar ng operasyon at joint patrols, sa halip nilalayon nito na magsilbing isang pormal na paraan ng komunikasyon sa pagitan ng dalawang coast guards.
Isinasagawa aniya ang mga negosasyon sa pamamagitan ng kaukulang diplomatic channels at pinalawak pa sa pamamagitan ng Bilateral Consultation Mechanism meetings.
Tiniyak din ng DFA na ang mga isinasagawang pag-uusap ay iniuulat sa mga opisyal ng gobyerno kabilang na sa National Security Asviser bilang tumatayong chair ng National Task Force for the West Philippine Sea, gayundin sa Secretary of Foreign Affairs at PCG Commandant.















