Ibinunyag ng beteranong aktor na si Antonio Banderas na ito ay napositibo rin sa coronavirus.

Sa kaniyang social media, inamin nito ang pagpositibo niya sa COVID-19 at ito ay naka-quarantine na.

Kasabay nang paglantad nito ay ang pagdiriwang din ng kaniyang ika-60 kaarawan.

Habang nasa isolation ay ipinagdiwang na lamang daw nito ang kaarawan sa pamamagitan ng pamamahinga, pagsusulat at pagbabasa.

Tiwala ito na gagaling din siya sa nasabing virus.

Isa lamang ang “Desperado” star na Hollywood celebrities na nadapuan ng COVID-19 kung saan unang nagpositibo ang mag-asawang sina Tom Hanks at Rita Wilson, Prince Charles, Pink, Idris Elba, Lena Dunham, Mel Gibson at Andy Cohen.