Ilalabas na ng Deparment of Tourism (DOT) ngayong linggo ang desisyon kung isususpendi ba o hindi ang City Garden Grand Hotel sa Makati City kung saan natagpuang patay ang flight attendant na si Christine Dacera.

Iniimbestigahan ng kagawaran kung may nalabag ba ang hotel na health protocol violations.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, tatapusin na ang imbestigasyon sa hotel kung bakit tumanggap sila ng mga bisita para maglibang lalo pa’t nahaharap sa pandemya ang bansa.

Nauna nang pinagpapaliwanag ng DOT ang hotel kung bakit hindi sila dapat na isuspendi sa kabila nang nagawa nilang paglabag sa health protocol.

Napag-alaman na natagpuan na wala nang buhay sa bathtub si Dacera sa hotel pagkatapos ng New Year’s Eve celebration kasama ang kaniyang mga kaibigan noong January 1.