Derek Ramsay
Derek Ramsay/ IG post

Labis ang kasabikan ngayon ni Derek Ramsey matapos na ito ay mapabilang na maglaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Napili kasi ang 42-anyos na actor na maging manlalaro ng Batangas City-Tanduay Athletics.

Ayon sa actor, na bago pa man mag-artista ay kinokonsidera niya ang sarili bilang atleta.

Tanggap nito na maraming mga haters at basher.

Magsisimula ang liga sa Hunyo 12 sa Mall of Asia at maglalaro din ang actor sa Dubai sa darating na Setyembre.

Kabilang si Derek sa ilang artista na naglalaro sa liga gaya nina Gerald Anderson, Xian Lim, Mark Andaya at Andre Paras.