-- Advertisements --

Hinimok ni Department of Energy (DOE) Secretary Raphael P. M. Lotilla, ang mga stakeholder ng Electric Vehicle Industry na pabilisin ang komersyalisasyon, at paggamit ng mga di-kuryenteng sasakyan bilang alternatibong solusyon para sa sektor ng transportasyon lalo at taas baba ang presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Lotilla, batay sa kanilang datos sa nasabing industriya mayruong humigit-kumulang 9,000 rehistradong di-kuryenteng sasakyan at 300 charging stations ang naka-deploy na sa buong bansa.

Inihayag ni Lotilla, base sa projection ng DOE ay unti-unting tataas ang bilang ng mga EV at EVCS sa bansa dahil na rin sa pagsasabatas ng Republic Act No. 11697 o ang Electric Vehicle Industry Development Act, o mas kilala bilang EVIDA, at pagpapalabas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) nito noong nakaraang buwan.

Layon nito na magbigay ng plano para mapabilis ang komersiyalisasyon ng paggamit ng mga Electric Vechicles sa bansa.

Nagtutulungan ngayon ang Department of Transportation (DOTr), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Science and Technology (DOST), para sa paglalabas Comprehensive Roadmap para sa Electric Vehicle Industry sa unang quarter ng 2023.