Posibleng ipatupad ng gobyerno ng Pilipinas ang muling pagbabalik ng deployment ban sa Kuwait.

Kasunod ito ng pagkamatay ng isang overseas Filipino workers (OFW) na si Constancia Lago Dayag.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na hindi malayong ipatupad ito dahil sa pangyayari.

Magugunitang noong Pebrero 2018 ay ipinatupad na ang deployment ban dahil sa pagdami ng mga reklamong pananakit sa mga OFW sa Kuwait hanggang sa ito ay muling naibalik.