Reading Time: 1 minute

Hinihintay pa ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kamatayan ng overseas Filipino worker na si Constancia Dayag bago ipatupad ang deployment ban sa Kuwait.

Ayon kay Bello, na kapag lumabas sa imbestigasyon na may foul play at hindi man lang gumawa ng karampatang hakbang ang Kuwaiti government ay kanilang ipapatupad ang deployment ban.

Hindi pa nito binanggit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang plano dahil alam niyang gumagawa ng hakbang ang Kuwaiti government.

Magugunitang patay ang 47-anyos na si Dayag at itinuturong suspek ang amo nito.