Class room 2
DepEd photo/ FB image

Pagtutuunan ng pansin ng Department of Education (DepEd) ang pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

Kasunod ito ng pagiging kulelat ng bansa sa reading comprehension.

Lumabas kasi sa survey ng Programme for International Student Assessement (PISA) 2018 of the Organization for Economic Co-operation and Development (OECD) na nasa pinakahuling puwesto ang Pilipinas sa 79 na bansa na may reading comprehension score na 340.

Nakakuha rin ng 353 na score sa mathematics at 357 sa science ang Pilipinas.

Ilan sa kanilang aayusin ay ang pag-implementa ng “Sulong Edukalidad” campaign gaya ng pag-aaral at updating ng K-to-12 program, improvement ng learning facilities, Teachers and school head’s upskilling and reskilling sa pamamagitan ng transformed professional development program at Engagement ng lahat ng stakeholders for support and collaboration.