cropped DepEd
-- Advertisements --

Naniniwala ang Department of Education (DepEd) na madagdagan pa ang bilang ng mga enrollees para sa School Year 2021-2022.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones sa pagdinig sa Kamara, hanggang kaninang umaga, ang bilang ng mga estudyante na nagpatala ay 25,582,224.


Ang numero na ito ay 97% aniya ng kabuuang 26.23 million enrolled students sa nakalipas na school year.

Dahil pinalawig ang enrollment period hanggang sa Setyembre 30, 2021, sinabi ni Briones na maari pang mahabil ang bilang ng mga enrollees na ito.

Samantala, positibo naman si Usec. Nepomuceno Malaluan na makakamit pa rin ng DepEd ang aniya’y “better numbers” pagdating sa enrollment para sa nalalapit na pasukan.

-- Advertisement --