Sinimulan na ng Department of Education ang kanilang sariling imbestigasyon hinggil sa isyu ng umanoy paniningil sa ilang mga guro na nagnanais lumipat ng lugar ng pagtuturo.
Ito ay kinumpirma mismo ng pamunuan ng naturang ahensya.
Kung maaalala, ilang guro sa palawan ang naghain ng reklamo matapos umano silang singilin ng ₱30,000 para makalipat ng ibang lugar.
Sa isang pahayag, sinabi ni DepEd Spokesperson at Undersecretary Michael Poa na ang ganitong uri ng aktibidad ay malinaw na ilegal at hindi ito kukunsintihin ng DepEd.
Inaalam pa rin ng ahensya nag kabuuang detalye ng naturang isyu.
Paliwanag naman ni Poa na ang ganitong uri ng reklamo ay sa nanggaling pa lamang sa Palawan .
Tiniyak din ng opisyal na kanila ring babantayan kung may kahalintulad na reklamo sa ibang panig ng bansa.
Kaugnay nito ay hinimok ni Poa ang mga guro na lumutang at iulat kung may ganitong insidente silang na encounter.