vaccination
-- Advertisements --

Papayagan ng Department of Educations (DepEd) na gamitin ang mga paaralan bilang vaccination centers kapag wala ng ibang lugar pa.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, na ipapatupad pa rin nila ang polisiya sa mga paggamit ng pasilidad ng DepEd kapag gagawin ang mga ito bilang vaccination centers.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Health at mga local government units para sa pagpili ng mga lugar na gagamitin bilang vaccination center.

Paglilinaw naman ng DepEd na ang mga paaralan na napili para sa testing ng in-person classes ay hindi maaaring piliin pa na maging vaccination centers.