runner Lheslie De Lima
Runner Lheslie De Lima/ Phil sports Committee image

LEGAZPI CITY – Ipinagmamalaki ng buong Bicol ang naabot na tagumpay ng mga atletang mula sa rehiyon sa nilahukang kompetisyon sa Indonesia.

Kabilang sa mga sumabak sa patimpalak sa athletics events sa Asian School Games sina barefoot-runner Lheslie De Lima ng Camarines Sur, Jasmin Bombita ng Sorsogon at Divina Mahusay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Department of Education (DepEd) Bicol spokesperson May Jumamil, nakapag-uwi ng bronze medal ang naturang team subalit may ilang kinapos ang laro dahil sa pagkakasakit habang nasa ibang bansa.

Malaking hamon rin ayon sa opisyal ang makakaling mga contenders lalo na ang mga mula sa Thailand.

Kaugnay nito, inerekomenda ni Jumamil ang pagsasaayos sa selection process ng mga atleta na ipapadala sa ibang bansa at mapaglaanan ng mga pangangailangan sa kalusugan.