BAGUIO CITY – Handang-handa na ang Department of Education (DepEd) – Baguio para sa Brigada Eskwela 2019 na mag-uumpisa bukas hanggang Mayo 25.

Hinihikayat ng mga opisyal ng City Schools Division ang pakikibahagi ng mga magulang, estudyante, barangay officials, volunteers at iba pang stakeholders sa aktibidad.

Una nang inaprobahan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang alokasyon ng P1.5 million na pondo na ibibigay sa mga paaralan para magamit sa Brigada Eskwela.

Ilalaan ang pondo sa pagbili ng mga materyales na gagamitin sa pag-aayos at paglilinis sa iba’t-ibang paaralan sa Baguio City.