Binigyang diin ng Department of Health ang kahalagahan na ma-asses ang individual risk kung ligtas at makabubuti na tanggalin ang face mask lalo pa’t nalalapit na ang Undas at Christmas season at ang inaasahang pagtaas ng hawaan ng covid-19 dala ng tumataas na mobility.
Sinabi din sa isang statement ng DOH na ang desisyon sa pagluluwag sa face mask mandate ay nagbibigay sa bawat isa ng pagkakataon na magpasya base sa ating personal na pananaw at risk appetite.
Kayat patuloy pa rin naman ang paalala ng DOH sa publiko na mainam pa rin na panlaban sa virus ang pagkakaroon ng karagdagang layers of protection gaya ng pagbabakuna, pagsusuot ng facemask, social distancing, maayos na bentilasyon, sanitation at pagalaga sa kalusugan.
Ginawa ng DOH ang naturang pahayag kasunod ng anunsiyo ng Department of Tourism (DOT) na planong gawing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask.
Ayon pa sa ahensiya na kanilang aantayin ang iisyung official order mula sa Malacanang.
Una ng inilahad ng kagawaran ang lahat ng posibleng scenarios sa naging pagtalakay ng Inter-agency Task force (IATF) may kaugnayan sa usapin ng face mask mandates kung saan ikinokonsidera ng collegial body ang concerns ng lahat ng sektor.