-- Advertisements --

Nakaalerto ngayon ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) para matukoy ang posibleng mga kaso ng smuggling ng puting sibuyas sa bansa na ibinibenta sa wet markets sa gitna ng kakapusan ng lokal na suplay simula noong buwan ng Hulyo.

Ayon kay DA spokesperson and Assistant Secretary for consumer affairs Kristine Evangelistanakikipag-ugnayan na ang DA sa ureau of Plant Industry (BPI) at sa BOC para sa imbestigasyon sa naturang usapin.

Kinuwestyon naman ng DA official kung paano nakakakuha mula sa retailer gayong wala namang inisyu na importation permits.

Ayon pa kay Evangelista, patuloy ang pag-inspeksiyon ng BPI sa mga merkado sa posibleng smuggled na puti o dilaw na sibuyas dahil kapag ang mga produkto ay pinuslit lamang malamang ito ay hindi dumaan sa food safety protocols kayat hindi nakatitiyak ang mga mamimili na ligtas ito.

Giit pa ng DA official na hindi lamang ang mga retailer ang may pananagutan kung sakali kundi mahalaga din na matukoy ang kanilang supplier at kung gaano kadami ang mayroong suplay na smuggled na sibuyas.

Una rito, noong nakalipas na linggo nakumpiska ang nasa 47 sako ng dilaw na sibuyas na ibinenta sa Malabon Central Market at sa Divisoria. Nagkakahalaga ang naturang yellow onions ng P500 kada kilo.

Bunsod nito mas pinaigting pa ng DA monitoring team ang kanilang surveillance matapos na makumpirma na wala ng stocks ng lokal at imported yellow onions sa cold storage sa nakalipas na dalawang buwan.

Top