Dennis Rodman
Dennis Rodman/ Twitter image

Nahaharap sa reklamong pagnanakaw ng mga damit si dating NBA star Dennis Rodman.

Sa reklamo ng may-ari ng VIBES Hot Yoga sa Newport Beach, pumasok si Rodman kasama ang dalawang babae.

Nagtulong-tulong ang tatlo na kumuha ng mga damit na aabot sa mahigit $500 at $2,500 cystal art piece na nabasag.

Hindi binayaran ni Rodman ang nasabing crystal art piece na nabasag dahil kasalanan daw ito ng staff.

Ang nasabing lugar ay paboritong puntahan ng mga sikat na artista at atleta sa Amerika.

Isinumbong na sa mga kapulisan ang nasabing insidente habang hindi naman nagbigay ng anumang komento ang abogado ng dating basketball player.