pete buttigieg dems

Inaabangan na mga mamayan ng US ang nakatakdang South Carolina primary ng Democrats sa February 29.

Ito ay matapos ang naging 10th Democratic debate nitong Miyerkules na ginanap sa Charleston, South Carolina.

-- Advertisement --

Sa nasabing debate, itinuturing na panalo dito si dating South Bend, Indiana Mayor Pete Buttigieg dahil sa sa ilang mga isyu na napag-usapan ay may pangontra itong kasagutan kay senator Bernie Sanders.

Hindi rin maiwasang banatan ni dating Vice President Joe Biden si Sanders na siya ang magdadala sa Democrats sa kapahamakan.

Hinangaan rin ng marami ang naging pagiging kalmado ni Minnesota senator Amy Klobuchar dahil mahinahon niyang ipinahayag ang kaniyang mga solidong polisiya.

Nakita rin ang pag-atake ni Senator Elizabeth Warren kay billionaire businessman Michael Bloomberg dahil sa maling pagtrato niya sa babae.

Sa isinagawang survey naman sa South Carolina bago ang gagawing primary nangunguna pa rin ang dating Vice President na si Biden na sinundan ni Senator Warren habang pangatlo si Senator Bernie Sanders.

Ang magiging panalo sa nasabing primary sa Sabado ay may katiyakan na para manguna sa tinatawag na super Tuesday kung saan 15 estado at territories ang boboto sa araw na iyon.

Noong 2016 general election ay nanalo si President Donald Trump na mayroong 54.9% kontra sa 40.7% naman kay Hillary Clinton.