-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Umabot sa 20 hanggang 30 percent ang ibinaba ng pangangailangan ng kuryente ng mga mamamayan batay sa naitala ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)-North Luzon habang ipinapatupad ang enhanced community quarantine (ECQ).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Malou Refuerzo, Regional Communications and Public Affairs Officer ng NGCP-North Luzon na batay sa forecast ng Department of Energy (DOE) ang makokonsumong enerhiya ngayong summer season ay 11,000 megawatts ngunit ang actual na demand ng kuryente ngayon ay umaabot lamang sa 7,000 megawatts.

Inihayag ni Refuerzo na naitala ang 30 percent decrease noong March 16, 2020.

Ang nakikita anya nilang dahilan kung bakit bumaba ang pangangailangan ng kuryente ay dahil maraming mga puwesto sa malls ang nagsara maging ng mga kompanya tulad ng mga factory.

Sinabi pa ni Refuerzo na habang umiiral ang ECQ, ipinagpaliban ang lahat ng mga scheduled maintenance activities pangunahin na sa Region 2.