Lahat ng mga impormasyon na ikinanta ni Nobleza ay ini-evaluate pa sa ngayon ng PNP.

Siniguro ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa na hindi malilinlang ni Supt. Nobleza ang PNP dahil may alam din silang impormasyon na hindi alam ng police colonel.

Ayon kay Dela Rosa maingat din si Nobleza sa pagbibigay ng mga detalye at impormasyon sa PNP.

Hindi humihingi ng paumanhin si Nobleza kay PNP chief ng makausap nito.

Mensahe lamang ni Dela Rosa kay Nobleza na sayang ang kaniyang ginawang trabaho dahil hindi ito alam ng gobyerno.