Iginiit ni nirerespeto ni PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang pagtawag sa kanya ni Sen. Panfilo Lacson ina “very arrogant” o napakayabang.

Kasunod ito ng kanyang naging panayam kung saan tila ipinagtatangol niya pa ang mga pulis na nag-isip na ikulong sa isang secret jail ang mahigit sampung bilanggo sa Manila Police District (MPD) Station 1 sa Tondo.

Ayon kay PNP chief ay nanatili ang respeto at paghanga niya sa senador.

Nanindigan ang heneral na dapat niyang ipagtanggol o depensahan ang mga pulis na hindi nangongotong at hindi nang-aabuso.

Pero kung may paglabag na ginawa aniya ay kanyang mga tauhan ay dapat na panagutin ang mga ito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso ng mga pulis na sangkot sa pagkukulong ng mga bilanggo sa secret jail at kung napatunayang may paglabag sila siguradong mapaparusahan ang mga ito.