Nakikita ng beteranong ekonomista na si House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda na mas maliit ang deficit ng pamahalaan ngayong taon kumpara sa inaasahan ng Development Budget Coordinating Committee (DBCC).
Sa kanyang tantiya, maaring pumalo na lamang sa P1.7 trillion ang deficit ng gobyerno sa pagtatapos ng taon, bahagyang mas mababa kaysa P1.9-trillion cap na itinakda ng DBCC na katumbas ng 9.3 percent ng gross domestic product.
Ayon kay Salceda, nakakabawi na kasi ng bahagya ang revenues at bumababa nang pakonti-konti ang spending sa mga nakalipas na buwan.
Hanggang noong Oktubre kasi, nasa P1.2 trillion na ang budget deficit ng gobyerno.
“That’s lower by around P200 billion, which is of course good for our fiscal space,” ani Salceda.
“It’s mostly good news, because the lower-than-expected deficit is largely due to revenue recovery,” dagdag pa niya.
Pero base sa latest data mula sa Bureau of the Treasury, lumalabas na ang deficit mula Enero hanggang Oktubre ay 27.94 percent higher na mas mataas sa P940.6 billion na naitala sa kaparehong period noong 2020.
Noong 2020 kasi, pumalo aniya sa P2.855 trillion ang kinita ng pamahalaan.
Gayunman, ang improvement sa deficit ng bansa sa mga nakalipas na buwan ay dahil sa resiliencey ng tax system bunsod ng komprehensibong tax reform program.