Lorenzana
DND Sec. Delfin Lorenzana

Ipinauubaya na ng Department of National Defense (DND) sa PNP ang paglalatag ng protocols kung paano ipatutupad ang lockdown sa Metro Manila.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang PNP kasi ang siyang naatasang maglatag ng plano para ipatupad ang travel restrictions para sa papasok at palabas ng Metro Manila.

Kumpiyansa si Lorenzana na mayruon nang binuong guidelines ang PNP sa ilalim ng superbisyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Magugunitang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa community quarantine ang Metro Manila dahil na rin sa epekto ng COVID-19.