Reading Time: 1 minute
west valley fault phivolcs
West Valley Fault (source Phivolcs)

Pinaghahanda na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Metro Manila para sa isang malakas na paglindol kapag gumalaw ang West Valley Fault sa Marikina, na tinaguriang “The Big One.”

Ginawa ni Lorenzana ang pahayag sa isinagawang National Disaster Resilience Summit sa isang hotel sa Cubao, Quezon City nitong araw.

Sinabi ni Lorenzana na batay sa Phivolcs ang West Valley Fault ay maaring gumalaw anumang oras.

Ayon sa kalihim nagsasanay na ang mga otoridad para sa ganitong kaganapan.

Lorenzana
DND Sec. Delfin Lorenzana

Sinabi ni Lorenzana kapag mangyari ang “The Big One” marami ang maapektuhan na naninirahan sa palibot ng West Valley Fault na tumatawid sa Metro Manila mula sa Norzagaray, Bulacan hanggang sa Silang, Cavite.

Nitong nakalipas na Sabado ay tinamaan ng dalawang malakas na lindol ang Itbayat, Batanes na nagresulta sa pagkamatay ng siyam na indibidwal habang higit 60 ang sugatan.