-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Russian President Vladimir Putin sa mga national at regional authorities para sa pagbibigay ng lahat ng kailangang assistance para sa mga biktima matapos bumagsak ang Russian fighter-bomber plane na Su-34 sa residential building sa western city ng Yeysk habang nagsasagawa ng training flight.

Ayon sa Ministry of Emergency Situations, umakyat na sa 13 katao ang nasawi matapos ang isinagawang search and rescue operation kung saan kabilang sa mga biktima ay ang tatlong bata.

Nasa 68 naman ang na-rescue mula sa sumiklab na sunog sa siyam na palapag na gusali habang nasa 19 naman ang naitalang nasugatan.

Una rito ayon sa piloto ng Russian fighter bomber plane na ang dahilan ng pagbagsak nito nang masunog ang isa sa makina nito habang ito ay patake-off.

Ang yeyks ay isang port town sa may shore ng Azov Sea at hiwalay sa okupadong Russian territory sa southern Ukraine.