-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pumalo na sa mahigit 300 ang namatay dahil sa heat wave sa Spain.

Ayon pa kay Bombo International Correspondent Maria Edzel Lamparero- Lopez direkta sa Spain, umabot na sa 360 ka mga tao ang namatay mula noong Hulyo 10 at umabot sa 44 degrees celcius ang temperatura.

Aniya, karamihan sa mga namatay dahil sa heat stroke ay ang mga matatanda at mga taong may sakit.

Umaasa naman ang mga tao sa Spain na hindi na madadagdagan pa ang mga namatay dahil sa matinding init.

Nagpanawagan naman ang gobyerno ng Spain sa publiko na taasan pa ang water intake at iwasan ang paglabas sa kanilang bahay.

Napag-alaman na limang mga bansa ngayon sa Europa ang dumadanas ng heat wave.

Ito ay kinabibilangan ng Portugal, Spain, Italy, France at United Kingdom.

Ayon pa sa mga scientists, ito ay epekto na ng climate change.