Pumalo nasa 122 ang napaulat na nasawi sa malawakang wildfire na sumiklab sa central Chile.
Inaasahang tataas pa ang naturang bilang habang nagpapatuloy ang paghahanap ng militar at mga bumbero sa mga posibleng survivors sa residential area ng coastal cities ng Valparaiso at Vina Del Mar kung saan mabilis na nilamon ng apoy ang mga kabahayan.
Nitong Lunes, sinimulan ng Chile ang opisyal na 2 araw na mourning period. Daan-daang katao pa rin ang nananatiling nawawala at 14,000 kabahayan na ang napinsala.
Mula ng sumiklab ang wildfires noong araw ng Sabado nasa 154 ang active fires na umakyat pa sa 165 noong linggo.
Ayon sa investigative police force ng Chile, iniimbestigahan na nila ang mga lugar kung saan nagsimula ang mga sunog na posibleng sinadya.
Una nga rito, humaharap ang Chile kasama na ang Argentina at iba pang parte ng South America ng severe heat wave, na ayon sa mga eksperto ay karaniwang nangyayari lalo na kapag southern hemisphere summer months bunsod ng climate change.