Binisita ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa si Senator Leila de Lima sa kaniyang selda sa PNP Custodial Center noong unang gabi nito sa kulungan.

Sinabi ni Dela Rosa na Biyernes ng gabi ng kaniyang puntahan ang senadora at tiniyak na secured siya sa kulungan at wala ito dapat ikabahala.

Pahayag ni PNP chief na normal naman daw na mag worry ang senadora sa kaniyang kaligtasan.

Ayon kay Dela Rosa, okay naman ang kalagayan ng senadora at wala naman itong dapat ipag-alala.

Banggit ni PNP chief hindi naman umiiyak ang senadora, bagkus relax na relax ito ng magkausap sila.

Dagdag pa ni Dela Rosa kaniya pang tinanong si De Lima kung okay lang sa kaniya ang kaniyang kulungan dahil siya ay may asthma.

Pagtiyak sa kaniya ng senadora na kaya naman niya kahit bagong pinta ang dingding ng kulungan