Naglabas na ang Department of Budget and Management (DBM) ng dagdag pang P2 bilyon para sa mga pamilya at indibidwal na nasa crisis situation.
Ang Special Allotment Release Order (SARO), para ilabas sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman noong Agosto 8.
Inihayag ni Sec. Pangandaman na maganda ang timing ng karagdagang pondong ito.
Ito ang kanilang magiging ambag sa DSWD para makapagbigay ng tulong at proteksyon sa mga pamilyang nangangailangan.
Ang pondo ay magpapalakas sa DSWD’s Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na nag-aalok ng tulong pinansyal para sa transportasyon, medikal, burol, pagkain at iba pang serbisyong suporta para sa mga pamilya o indibidwal.
As of June 20, ang programa ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ay nagsilbi ng higit sa 1.5 milyon kung saan lumampas sa 1.4 milyong target nito.
Higit pang mga benepisyaryo na may kabuuang 642,348 ang inaasahan para sa natitirang bahagi ng 2022.