-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na number one ang Pilipinas sa budget transparency sa Asia, sa pinakahuling Open Budget Survey. 

Sinabi ng kalihim na sa survey na ito, nakakuha ang Pilipinas ng score na 76 rate. 

Mas mataas sa target ng pamahalaan na 71 sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP).

Bukod dito, nagsisilbi nang leader ang Pilipinas sa Open Government Partnership, sa pagsali nito sa Open Government Partnership International Steering Committee, bilang isa sa mga bansa na nag-institutionalize ng pagiging bukas ng pamahalaan nito, sa pamamagitan ng Executive Order no. 31 na pirmado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. 

Dagdag pa ng Kalihim na sila sa DBM ginagawa nila ang lahat para makabuo ng culture of transparency and good governance kaya magandang balita na ang Pilipinas ang nangunguna sa budget transparency sa Asya na may scored rate na 76.

Sinabi ni Pangandaman, sa ilalim ng pamumuno ni Pang. Marcos, nanatili ang kanilang pokus para mapanatili ang posiyon bilang global leader sa budget transparency.