-- Advertisements --

Inihayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na nagbubunga na ang mga programa ng pamahalaan sa Mindanao sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ginawa ng DBM chief ang pahayag kasunod ng panukala ni dating Pang. Rodrigo Duterte na paghihiwalay sa Mindanao mula sa Pilipinas dahil wala umanong pagbabago na nangyayari sa naturang rehiyon kahit ilang taon na ang nakakalipas.

Ayon kay Sec. Pangandaman, tuluy-tuloy ang pagsisikap ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.

Aniya, bilang isang Pinay Muslim na miyembro ng Gabinete, maipagmamalaki niyang masasabi na ang nagbubunga ang ginagawang development efforts sa Mindanao sa ilalim ng Bagong Pilipinas.

Ipagpapatuloy din aniya ang gingawang hakbang para gawing isang isang lupain ng mga pangakong natupad ang Mindanao.

Ipinunto din ng kalihim ang tagumpay ng Intergovernmental Relations Body for the National Government (IGRB), isang entity na naatasang resolbahin ang mga isyu sa pagitan ng national government at BARMM.