ILOILO CITY – Simula na ngayong araw ang taunang Top Level Management Conference (TLMC) ng Bombo Radyo Philippines, the No. 1 radio network in the country sa Iloilo City, ang itinuturing na seat of government ng network.

Pangungunahan ng chairman emeritus ng Bombo Radyo Philippines na si Dr. Rogelio M. Florete ang aktibidad kung saan sinabi nito na magtatayo pa ng dagdag na AM at FM stations sa Luzon, Visayas at Mindanao ngayong 2020.

Ang media mogul na ilang dekadang namuno sa Bombo Radyo Philippines ay ipinasa na ang baton sa kanyang anak na si Ms. Margaret Ruth C. Florete bilang President at Chief Executive Officer (CEO), upang matiyak sa mga tagapakinig na ipagpapatuloy ang kultura ng Bombo Radyo na pagbibigay ng balita “first, fast and accurate.”

Magbibigay ng kanyang State of the Network Address ang CEO na sesentro sa tema ngayong taon na “In Step with Digital Technology” kung saan bibigyang halaga ang Facebook Live ng Bombo Radyo Philippines.

Ang St. Clements Retreat House ang venue para sa isang linggong TLMC ng Bombo Radyo Philippines upang ibahagi ang mga natutunan sa nakaraang taon at ang paglunsad ng misyon ng network gamit ang machinery para sa serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga balita at impormasyon at mga socio-cultural projects na nagbibigay impact sa buhay ng mga Pilipino.

-- Advertisement --

Ang TLMC ng Bombo Radyo ay dinadaluhan ng mga senior officers, area at mga station managers, news directors, at chief technicians mula sa 31 key cities nationwide.

Inimbitahan din ni Ms. Florete ang mga music loving Ilonggo na huwang palampasin ang mas pinagandang cultural project ng Bombo Radyo Philippines, na third National Bombo Music Festival 2020 kung saan magpapasiklaban ang 12 finalists sa live performance sa darating na Sabado, Enero 11, sa West Visayas State University Cultural Center sa La Paz, Iloilo City.

Ang 31-piece Bombo Symphony Orchestra sa ilalim ng baton ni Maestro Gerardo Vicente Muyuela ay magbibigay ng kakaibang musical experience at magbibigay kulay sa musical talents sa buong bansa.

Bilang isang nationwide project, layunin ng Bombo Music Festival na maging bahagi sa paglinang ng angking talino ng mga Pinoy sa larangan ng musika at kultura kung saan maari na itong mapakinggan o ma download sa lahat ng digital platforms kagaya ng Spotify, I-Tunes, YouTube Music at Google-Music.

Kabilang sa magiging hurado ngayon taon ay sina Maestro Ryan Cayabyab na kilalang national artist at Magsaysay Awardee in Music; certified gold record producer and renowned composer na si Vehnee Saturno, Neo-Soul diva Bituin Escalante; young hit maker Myrus Ramirez,at ang Jesuit composer na si Father Peter Pojol.