GENERAL SANTOS CITY – Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao alas-10:02 nitong umaga.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay nasa 126 kilometero timog silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.

May lalim ito na 14 kilometers, at tectonic in origin.

Naitala ang Intensity III sa Kidapawan City at Davao City.

Sinabi ng Phivolcs na walang aftershocks na inaasahan kasunod ng naturang pagyanig.