Screenshot 2019 06 20 18 57 40
-- Advertisements --

Maaring gamitin ng International Criminal Court (ICC) ang datos na inilabas ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa 52 kaso ng pagpatay sa isinagawang illegal drugs operations ng mga pulis na ikinasawi ng 56 katao.

Ayon kay DOJ Undersecretary Adrian Ferdinand S. Sugay, nasa ICC na kung gusto man nilang gamitin ang mga impormasyon na ito.

Magugunita na noong Setyembre 15 ay ianunsyo ng ICC na pinayagan na ng kanilang Pre-Trial Chamber ang request ng kanilang prosecutor na simulan na ang imbestigasyon sa umano’y extrajudicial killings at iba pang mga krimen sa Pilipinas.

Sa paglalabas ng mga datos sa 52 kaso noong Miyerkules, nanawagan ang DOJ sa mga witnesses na tumulong sa prosecution ng nasa 154 pulis na sinasabing nasa likod ng mga pagpatay sa isinagawang illegal drugs operations.

Gayunman, sinabi ni Sugay na patuloy na ire-review ng DOJ ang iba pang mga kaso ng mga napaslang sa kasagsagan ng anti-illegal drugs operations.

-- Advertisement --