Speaker Prospero Nograles
Former Speaker Prospero Nograles

Kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na pumanaw na si dating House Speaker Prospero Nograles sa edad na 71.

Sa kaniyang maikling statement, sinabi ni Sec. Nograles na nagpapasalamat sila sa lahat ng naging bahagi ng buhay ng kanilang tatay Nogie.

Ayon kay Sec. Nograles, tahimik na pumanaw ang dating speaker habang silang mga mahal sa buhay nakapaligid.

Kasabay nito, umaapela si Sec. Nograles ng patuloy na pagdarasal para sa kanilang namayapang ama.

“Our family would like to express our deepest gratitude to all of you for being a part of Papa Boy Nogie’s life and journey. Papa passed away peacefully, surrounded by his family. May we please ask for your continued prayers. He is finally at peace. Details of the wake to follow,” ani Sec. Nograles.

Ang nakatatandang Nograles ay nanungkulan bilang Speaker of the House of Representatives noong taong 2008 hanggang 2010, sa panahon ng termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Nanungkulan siya bilang chairman ng partidong Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) noong 2008 hanggang 2009, habang vice chairman noong 2009 hanggang 2010.