PNP
PNP Crime Scene

DAGUPAN CITY- Hindi na nakaligtas mula sa kamatayan ang dating PNP Provincial Director ng lalawigan ng Pangasinan matapos itong tambangan kahapon ng hapon lamang sa bayan ng Calasiao.

-- Advertisement --

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan , sa ulo ang pinuntirya ng mga riding in tamden criminals na nanambang kay retired Police General Marlou Chan na noon ay lulan ng kaniyang kulay orange na pick-up truck.

Nabatid na ang passenger side kung saan naka-upo si Chan ang natadtad ng bala dahilan upang hindi magtamo ng kahit anumang galos ang driver nito.

Marlou Chan
Marlou Chan/ file FB image

Samantala, agad ng bumuo ng Special Investigation Task Group (STIG) ang hanay ng PNP para sa mabilis na pagresolba sa krimen.

Kung maaalala, dalawang beses na ideneklarang persona non grata si Chan sa lalawigan sa pamamagitan ng dalawang ipinasang resolusyon sa Sangguniang Panlalawigan dahil sa hindi umano organisadong pagpapatupad ng batas ang ilang rason kung bakit ipinanawagang bumababa ito sa pwesto kabilang ang ilang insidente ng pamamaril, pagpatay at kaguluhan ang naitala ng pulisya sa probinsiya na kinasasangkutan ng mga riding in tandem.

Sa kabila kasi ng mga batikos, naitinalaga parin bilang full pledged Pangasinan Police Provincial Director si Chan tatlong araw bago ang halalan noong 2013.

Sa bisa ng General Order no. 127 itinalaga si Chan bilang Provincial Director ng Pangasinan PNP kung saan may basbas pa umano ito mula sa Regional at National Police.

Bago ang eleksyon ay pinangunahan ni Vice Gov. Ferdinand Calimlim ang isang petisyon na alisin si Chan sa Pangasinan sa dahilang hindi umano nito masolusyonan ang ilang mga krimen sa ibat ibang bahagi ng probinsya.

Una na ring inihayag ni Gov. Amado Espino Jr, ang pagkadismaya sa performance ni Chan noong eleksyon kung saan inakusahan umano ni Chan si Espino ng harrassment sa mga kandidato ng Nationalist People’s Coalition (NPC) pabor sa mga Liberal Party (LP) candidates.