Reading Time: 1 minute

NORTH COTABATO – Arestado ang isang dating pari sa buy bust operation ng mga otoridad sa loob ng isang kainan sa pamilihang bayan ng Matalam, North Cotabato.

Kinilala ang nahuli na si John Baring Ferolin, 42-anyos na residente ng Barangay Lower Katingawan, Midsayap, North Cotabato.

Sa report ng Philippine National Police, nadakip si Ferolin matapos mabilhan ng iligal na droga sa nagpanggap na poseur buyer na isang police asset.

Narekober sa kaniya ang isang piraso ng sachet ng shabu at ilang drug paraphernalia at ang buy bust money.

Ang suspek na umano’y umalis sa pagiging pari sa Mission Society of the Philippines, ay dati nang nakulong dahil din sa kasong may kinalaman sa droga noong 2016.

Matagal ding minamanmanan ang suspek bago tuluyang bumagsak sa kamay ng mga otoridad.

Kasalukuyang nakakulong sa custodial facility ang dating pari at nahaharap sa kasong paglabag Republict Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.