Naghain na ng kanyang kandidatura si dating pangulo at dating House speaker Gloria Macapagal-Arroyo para tumakbo bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Pampanga.
Ayon sa kanyang anak, na si incumbent Pampanga 2nd District Rep. Juan Miguel Arroyo, nagpadala ng kinatawan ang kanyang ina para ihain ang certificate of candidacy (COC) noong Oktubre 1.
Kung mahalal si Macapagal-Arroyo, ito na ang kanyang ika-apat na termino sa Kamara.
Una siyang nagsilbing kongresista ng 2nd district ng Pampanga mula 2010 hanggagn 2019.
Noong Hulyo 2018, inihalal siya bilang lider ng Kamara ilang oras bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinalitan niya si dating Speaker Pantaloen Alvarez, na kaalyado rin naman ni Pangulong Duterte.