CAUAYAN CITY – Patay makaraang barilin ng riding in tandem criminals ang board member sa Isabela sa Barangay Dagupan.

Ang biktimang ay nakilalang si dating sangguniang panlalawigan member Napoleon Hernandez, 59, may-asawa at residente ng San Marcos, Isabela.

Ang biktima kasama ang kanyang maybahay ay lulan ng minamanehong Toyota Vios na may plakang A3R 778 at nang nasa nasasakupan na ng Barangay Dagupan malapit sa isang resort ay biglang sumulpot ang dalawang lalaking lulan ng motorsiklo at binaril sa driver’s window ng sasakyan ang biktima.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril si Hernandez na agad dinala sa pagamutan ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.