Marami ang namangha ng makita nilang isang ganap na madre na ang dating actress na si Chin Chin Gutierrez.

Ito ay matapos na magpost sa kaniyang social media account ng isang nag-ngangalang Vicksay Josol kung saan makikita ang larawan ng actress.

ChinChin / Joson FB post

Sa nasabing post ay makikita ang pasasalamat nito sa dating actress na ngayon ay kilala sa pangalang sister Lourdes.

Magugunitang noong 2010 ng huminto sa pag-aartista si Chin-Chin.

Marami ang humanga sa kaniyang kagandahan at ang galing nito sa pag-arte.

Kilala rin ito sa pagiging environmentalist.

Noong 2006 ng magtamo ito ng paso sa mukha at paa si Chin Chin ng masunog ang kanilang bahay sa Quezon City matapos na sagipin ang ina nitong may-sakit subalit makalipas ng isang linggo ay pumanaw na rin ito.

Taong 2010 ng masunog ang bahay ng actress at pagkaraan ng tatlong taon ay pumasok na ito sa kumbento ng Carmelite Sisters.