Pinatawan ng parusang reclusion perpetua o life imprisonment ang dating actor na si Dennis da Silva matapos na mapatunayan ng korte na guilty ito sa 15 counts of rape.

Bukod sa rape conviction pinatawan rin ito ng apat hanggang anim na taon pagkakakulong dahil sa four counts of child abuse.

-- Advertisement --

Unang naaresto ang dating actor noong 2002 dahil sa panggagahasa ng 14-anyos na dalagita na anak ng kinakasama nito.

Inatasan din ng korte na magbayad ito ng P100,000 sa kada civil indemnity, moral damages at exemplary damages o P300,000 kada beses ng panggagahas na aabot sa kabuuang P4 million.

Pinagbabayad din ito ng P300,000 sa child abuse conviction.

Binigyan ito ng korte ng 15 araw para umapela sa desisyon ng korte.

Nauna ng itinanggi ng suspek ang alegasyon at sinabing may relasyon sila ng biktima.

Sumikat ang actor noong dekada ’90 sa sikat na youth-oriented show na “That’s Entertainment” subalit huminto ito sa pag-aartista matapos masangkot sa iligal na droga.