-- Advertisements --

Dapat umanong mag-invest ang pamahalaan sa youth education sa pamamagitan ng episyenteng internet connectivity, ayon kay partylist Rep. Mike Defensor.

Sinabi ni Defensor na sa mga panahong ito, kung kailan nagiging pangangailangan na ang digital media upang mapagtagumpayan ang nagpapatuloy na banta ng COVID-19, ang internet services ay hindi dapat na tinatamasa lamang ng privileged class sa urban centers.

“Internet connectivity must also be efficient in the so-called missionary areas so that students in far-flung areas will not be left behind in the hybrid classes being introduced by the education department,” ayon sa kongresista na co-author ng isang pandemic response bill na naglalayong amyendahan ang batas na tinatawag na Bayanihan To Heal As One.

Sinabi pa ni Defensor na lubhang kailangan ngayon ang episyenteng internet connectivity sa rural areas na ang ekonomiya ay hinambalos ng coronavirus pandemic.

“Under the new normal, LGU leaders must must need efficient connectivity for their effective governance and also for the productive engagements of their business sectors,” pagbibigay-diin ni Defensor.

Gayunman, iginiit niya na ang episyenteng internet connectivity sa malalayong lugar ay nakasalalay sa bilang ng cell towers na mayroon sa lugar.

Aniya, sa panahong ito ng pandemya ay hindi kaya ng telcos na mag-isang magtayo ng kinakailangang dami ng cell towers sa mga nangangailangang lugar na tinatawag na ‘missionary sites.”

“It is for this reason that I am pushing for the funding by the government on digital infrastructure, particularly on cell sites in missionary areas,” dagdag pa niya.

Ipinaliwanag niya na sa malinaw na kadahilanan, hindi bibigyang-prayoridad ng telcos ang konstruksiyon ng ‘missionary cell towers’ sa kanilang business plans.

“It is in those neglected areas, or missionary sites, which are not prioritized by the telcos that the government must give priority as an investment for the education of our young generation,” ani Defensor.

Dagdag pa niya, ang telcos ay papayagang rentahan ang state-owned cell towers para mabawi at kumita sa public funds na ipinuhunan sa missionary cell sites at iba pang digital infrastructures.

Sa pagtaya ni Defensor, ang initial gov’t investment ay aabot sa P12 billion para sa may 2,000 missionary cell sites na iniualat na nagkakahalaga ng average na P6 million kada tower.