BACOLOD CITY – Kulong ngayon ang 37-anyos na ballet instructor sa lungsod ng Bacolod matapos inireklamo ng panggagahasa sa kanyang estudyante.

Kinilala ang suspek kay Lito dela Cruz at residente ng Cocion Road, Barangay 26 samantala hindi pinangalanan ng kapulisan ang biktima.

Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Bacolod sa inisyal na imbestigasyon ng Bacolod City Police Station 4, alas 2:00 kahapon ng madaling araw ng mangyari ang panggagahasa sa nasabing lugar kung saan nakatira ang suspetsado.

Sa salaysay ni dela Cruz ayon sa police investigator, niyakap at tinabihan siya ng biktima kahit katabi rin nito ang kanyang misis.

Aniya, hinubad ng biktima ang kanyang damit dahilan na hindi rin nito napigilan ang kanyang sarili at hinubad rin nito ang kanyang damit.

Base naman sa salaysay ng bikitma, pinilit siya ni dela Cruz na hubaran at ginawa na nito ang panghahalay.

Itinanggi naman ng suspek ang alegasyon ng biktima.