Kinumpirma ngayon ng Public Attorney’s Office (PAO) forensic team na ginahasa muna ang 16-anyos na dalagitang si Christine Lee Silawan bago ito brutal na pinatay.

Ang biktima ay natagpuang walang buhay sa bakanteng lote sa Barangay Bankal, Lapu-Lapu City noong March 11.

Sinabi ni Dr. Erwn Erfe, hepe ng PAO forensic team, nakitaan ng sinyales ng mga galos at hematoma sa pribadong bahagi ng katawan ni Silawan.

Ito ay base na rin sa isinagawang autopsy ng PAO.

Lumalabas din sa otopsiya ng PAO na sinunog ang mukha ni Silawan sa pamamagitan daw ng sulfuric acid.

Isang araw bago ilibing si Silawan noong Marso 23 nang isagawa ang otopsiya.