-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nasagip ng mga otoridad ang isang biktima ng human trafficking matapos ang isanagawang entrapment operation ng mga otoridad sa Brgy. Calamagui 1st, Ilagan City.

Pinangunahan ng mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group Regional 2, CIDG Isabela, Isabela Police Provincial Office Women and Children Protection Desk at City Of Ilagan Police Station WCPD kasama pa ang ilang kasapi ng Provincial Prosecutor at DSWD Region 2 ang operasyon.

Inaresto ang dalawang itinuturong mga nagbubugaw sa biktima na sina Mary Ann, 47 anyos, hiwalay sa asawa, tindera, residente ng Brgy. Calamagui 1st, lungsod ng Ilagan at si Michael, 29 anyos, binata, walang trabaho at residente ng Brgy. Baligatan, Lunsod ng Ilagan.

Nailigtas ng mga otoridad si ang biktimang itinago sa pangalang Mary, 18 anyos.

Sa naging panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Captain Frances Littaua, tagapagsalita ng I.P.P.O. na matagal na umano ginawang pambubugaw ng mga pinaghihinalaan sa biktima at iba pang mga menor de edad.

-- Advertisement --

Sinabi ni Police Captain Littaua na sa pamamagitan ng text o tawag ay ibinubugaw umano ng mga suspek ang biktima kapalit ng halagang isang libo at limang daang piso.

Batay sa isinagawang dental examination sa biktima ay nalaman ang edad nito na 18.

Nasa pangangalaga ng CIDG ang mga inarestong supek para sa booking at dokumentasyon bago sumailalim sa inquest proceedings.

Paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 ang kasong kinakaharap ng mga suspek.